DELIKADO | Ilang lugar sa Marawi, hindi pa rin ligtas – AFP

Marawi – Delikado pa ring tirahan ang ilang mga lugar sa marawi city partikular na ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng gyera o tinatawag na ground zero kung saan naganap ang matinding bakbakan sa pagitan ng militar at Maute ISIS Terrorist Group.

Sinabi ni AFP Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col Romeo Brawner, may 24 na mga barangay pa na nasa loob ng ground zero ang delikado pa ring tirahan dahil sa mga naiwan o sadyang itinanim na bomba ng Maute ISIS Terrorist Group

Maliban sa mga tanim na bomba, hindi pa rin nare rekober ang lahat ng bomba na pinakawalan ng tropa ng pamahalaan na hindi sumabog.


Sa kabila naman na marami pa ring delikadong lugar sa Marawi iginiit ni brawner na maituturing nang balik sa normal ang buhay sa kapitolyo ng Lanao del Sur.

Matatandaan May 23 nang nakalipas na taon nang magdeklara ng martial law ang pamahalaan sa Mindanao dahilnsa presensya ng Maute ISIS Terrorist Group sa Marawi.

Facebook Comments