DELIKADO | Mas marami ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad ang train 2 – Sen. Aquino

Manila, Philippines — Duda si Senator Bam Aquino sa pahayag ng Department of Finance na hindi magdudulot ng job losses ang ikalawang package ng tax reform — ang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o TRABAHO.

Isa si Aquino sa apat na senador na tutol sa pagratipika sa proposed Train 2 law.

Sabi ni Aquino, huwag lokohin ang taumbayan, dahil lunod na publiko sa taas-presyo bunsod ng Train 1.


Kung maisasa-batas ang Train 2, posible aniyang mapilitang magsara ang mga locator sa Clark Freeport Zone at lumipat ang mga dayuhang investor sa ibang bansa…

Kung magkataon, maraming pilipino ang mawawalan ng trabaho.

Bukod dito, duda rin ni Aquino sa kapasidad ng gobyerno na maibigay sa tamang oras ang financial package sa ilalim ng ipinanukalang bersyon ng kamara para sa mga manggagawang maaapektuhan ng Train 2.

Matatapos na kasi aniya ang 2018, pero hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ang pangakong tulong sa ilalim ng Train 1.

Aniya, pag-aralan munang mabuti ang posibleng epekto ng Train 2 para masigurong wala nang mahihirap na pilipino ang masasagasaan nito.

Facebook Comments