Iligan City – Ipinatigil ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga vendors sa C3 road sa lungsod ng Iligan.
Ayon kay Engineer Maria David, Project Engineer ng DPWH na ginawa ang daan para daanan ng sasakyan at hindi ginagawang bentahan.
Isa sa pangunahing dahilan kung bakit pinatigil nila ang operasyon ng mga vendors dahil sa delikado ang daanan sa C3 dahil ginawa itong diversion road ng mga bus at iba pang mga malalaking sasakyan.
Sinabi ni David na prone din sa disgrasya ang naturang daan sapagkat kahit wala pa ang mga vendors dati ay parati nang may mga nadidisgrasya.
Delikado din umano ang nasabing lugar sa landslide at posibleng mahulog pa sa pangpang ang sino mang madisgrasya dito.
Facebook Comments