DELIKADO | Mga namamaskong Badjao, papaalisin sa kahabaan ng Roxas Boulevard

Manila, Philippines – Puspusan ang ginagawang monitoring ng Manila Department Social Welfare sa kahabaan ng Roxas Blvd. kung saan dumadagsa na naman ang mga Badjao habang papalapit ang kapaskuhan para mamasko sa lansangan.

Ayon kay MDSW Chief Nanet Tanyag susuyurin nila ang kahabaan ng Roxas Blvd.maging sa TM Kalaw dahil nagsisipagdagsaan na naman ang mga Badjao at sumasabit sa mga pampubliko jeep para mamasko.

Paliwanag ng opisyal lubhang napakadelikado ang ginagawa ng mga batang Badjao dahil posibleng mahulog sila sa mga pampasaherong jeep na kanilang sinasabitan upang mamasko at maaaring masagasaan sa mga dumadaang sasakyan.


Taon-taon nalamang tuwing papalapit ang kapaskuhan ay dumadagsa sa Maynila ang mga batang Badjao upang mamasko sa mga motoristang dumadaan sa kahabaan ng Roxas Blvd. at TM Kalaw kung minsan naman ay sumasabit sa mga pampasaherong jeep at isa isang binibigyan ng sobre ang mga pasahero para mamasko.

Facebook Comments