Manila, Philippines – Ibinunyag ng bagong transport agency na transport watch na may ilang grupo na nagpapatakbo ng illegal transport network service sa pamamagitan ng social media.
Partikular na tinutukoy ng transport watch ang mga underground habal-habal operators.
Ayon kay Transport Watch Co-Convenor Tony La Viña, higit 200,000 indibidwal ang kasali sa mga facebook group na maaring magpa-book ng habal-habal.
Ang mga operator ay ipo-post ang oras ng kanilang schedule at ang rutang kanilang dinadaanan kung saan nakalagay ang kanilang mobile numbers para sa booking.
Giit ni La Viña, ang ganitong transport service ay walang insurance, walang protection maging maayos na training at accountability para sa mga pasahero.
Iminungkahi ngayon ng transport advocacy group sa gobyerno na i-regulate o payagan ang mga motorcycle rides bilang alternatibong paraan ng transportasyon na mariing tinututulan ito ng Department of Transportation (DOTr).