Manila, Philippines – Tiniyak ng National Housing Authority (NHA) na dadaan
sa tamang proseso ang nakatakdang pag-relocate sa mahigit 5,000 pamilya sa
Vitas Temporary Housing Unit sa Tondo, Maynila.
Sa interview ng RMN Manila kay NHA spokesperson Elsie Trinidad, sinabi
niyang delikado ng tumira dito dahil mahigit anim na dekada nang nakatayo
ang nasabing tenement.
Bukod dito, pinalilipat din ang nasa 1,500 pamilya na nakatira punta
tenement sa Sta. Ana, Manila at Fort Bonifacio Tenement Housing Unit sa
Taguig City.
Naghain na ang Manila City Government ng demolition order sa Vitas
Temporary Housing Facility.
Inirekomenda naman ng DPWH ang pre-emptive evacuation sa mga residente dito
at ilipat sa mas ligtas na lugar.
Facebook Comments