DELIKADO PA | Lungsod ng Marawi, hindi pa rin clear sa mga pampasabog ayon sa AFP

Marawi City – Aminado ang Armed Forces of the Philippine na hindi pa tuluyang naki-clear sa mga pampasabog ang Marawi City.

Ito ay kahit gugunitain na bukas, Mayo 23, ang unang taon ng Marawi siege.

Ayon kay Captain Julesther Cañada, Operation Officer ng Joint Task Force Builders, marami pang unexploded ordnance o pumalyang mga pampasabog ang hindi pa nahahanap ng militar.


Aniya, ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa maaaring bumalik sa kanilang mga tirahan ang mga “Bakwit”.

Sabi pa ni Cañada, mabilis na ang apat na araw bago makita ang bombang hindi sumabog at bumaon sa lupa.

Facebook Comments