Manila, Philippines – Ipinagbawal pa rin ng Armed Forces of the Philippines(AFP) ang pagpasok ng mga residente na dating nakatira at may bahay atari-arian sa ground zero o Most Affected Area (MAA) sa Marawi City.Ito ay dahil ayon kay Colonel Romeo Brawner, Jr., Deputy Commander ng JointTask Force Marawi, nagpapatuloy pa rin ang kanilang clearing operation saloob.Partikular na hinuhukay ng clearing team sa ngayon ay ang mga unexplodedordnance at mga improvised explosive devices o mga hindi pumutok na bombana naiwan ng mga kalabang terorista.Ayon kay Brawner, delikado pa para sa mga residente ang pumasok habangnagsasagawa ng clearing dahil malawak aniya ang effective range ng isang500 pounder bomb na may 650-meter radius ang aabutin ng mga shrapnel’s.Mahigit 60,000 pamilya pa, mula sa 24 na barangay sa ground zero, angpatuloy na umaasang mabisita ang kanilang mga dating tahanan upang makuhakung sakaling may mga natira pa sa kanilang mga gamit.<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
DELIKADO PA | Mga residente sa Marawi na dating nakatira sa ground zero, hindi pa rin pinayagang makita ang kanilang mga dating tahanan
Facebook Comments