DELIKADO | Pito, arestado sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong skin whitening injectable sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang pitong tao matapos makuha sa kanila ang sangkaterbang hindi rehistradong Skin Whitening Injectable sa ikinasang raid ng pulisya at Food and Drug Administration sa Natividad Street sa Barangay Paltok at William Street sa bahay toro sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina , Daniel Castillo, Viel Anjoe Somidos, Mylene De Vera, Rommel De Vera, Mark Adrian Roces, Jeffrey Oserio at lilian marte na siyang target ng operasyon.

Ayon kay QCPD Director C/Supt. Guillermo Elazar, isinagawa nila raid matapos mai-deliver sa kaniyang mga tauhan ang biniling glutathione injectable na in-order mula sa online sites.


Sinabi naman ni Randy Quiom, special investigator ng FDA Regulatory Enforcement Unit, delikado ang mga nasabing gamot at daoat na ugaliing i-check ng mga customer sa kanilang website ang pangalan ng produkto para malaman kung ligtas itong gamitin.

Aabot sa dalawang milyong pisong halaga ng pekeng injectible glutathione ang nakumpiska kung saan nagbabala sa publiko ang mga awtoridad sa pagbili online ng mga cosmetic at gamot na hindi dumaan sa FDA.

Facebook Comments