DELIKADO | Posibleng lahar flow mula sa bulkang Mayon, pinangangambahan ng PHIVOLCS

Manila, Philippines – Nangangamba ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibleng pagdaloy ng lahar dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta, delikado ang nangyayaring lava collapse dahil may kasama itong pyroclastic material o napakainit na mga bato, buhangin at abo.

Aniya, ang pag-usok na nakikita sa ibabang bahagi ng bulkan ay mula sa mga naipong lava.


Umabot naman na naiya sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan sa Albay ang abong dulot nito.

Kasabay nito, namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng nasa 20 kahon ng dust mask sa 1,800 indibiduwal mula sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan.

Bukod pa ito sa karagdagang 2,000 dust mask na ipinadala ng PRC.

Mayroon ding water tanker ang PRC para matiyak ang malinis na tubig sa mga evacuation center.

Nagtalaga rin sila mga first aid station at welfare desk para magbigay ng psychosocial support.

Photo credit to Abner P. Corpus

Facebook Comments