Manila, Philippines – Naglabas ng public health warning ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng hindi rehistradong household/urban pesticide product.
Hindi rehistrado sa FDA ang baolliai aerosol insecticide
Sa ginawang FDA post-marketing surveillance activities natuklasan na ang nabanggit na household/urban pesticide products ay hindi dumaan sa proseso ng ahensya at hindi naisyuhan ng proper marketing authorization.
Hindi rin nakalagay sa produkto kung saan ito ginawa, kung saan bansa ito nagmula, wala din nakalagay na local company na responsable sa paglalagay ng produkto sa merkado.
Ang mga nasabing mga produkto ay nakakapinsala, nakakalason at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao at hayop.
Ang paggamit ng substandard at posibleng adulterated na mga produkto ng pestisidyo ay maaaring magresulta sa masamang reaksiyon kabilang ngunit hindi limitado sa pangangati ng balat, anaphylactic shock, respiratory disorder, endocrine complications, pinsala sa utak at organ failure.
Ang mga mamimili ay pinapaalalahanan na bumili lamang ng household/urban pesticide products mula sa mga kilalang tindahan o dealers.