DELIKADONG BUTAS NA ASPALTONG KALSADA SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN, INAAKSYUNAN NA NG DPWH PANGASINAN 4TH DEO

Matapos idaing ng mga biyahero ang mga delikado at butas-butas na aspaltong kalsada sa ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan agad na inaksyunan ng Department of Public Works and Highways Pangasinan 4th District Engineering Office ang mga butas na ito.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay newly installed OIC District Engineer Mel Harvey Gonzales ng DPWH Pangasinan 4th DEO, ginagawan na ng paraan ang mga butas sa mga aspaltong kalsada kung inuunti-unti na aniya ang mga itong tapalan dahil upang hindi na makadisgrasya.
Ayon pa sa kanya, isinasagawa na rin ang patching sa mga butas o ang paglalagay ng pansamantalang tapal para saraduhan ang mga ito.

Aniya pa, hindi lang makagalaw ang ahensya dahil pabago-bago ang panahon, masisira lang aniya ang mga gagawing proyekto kung mabababad lang sa tubig kaya’t inuunti-unting ayusin ang mga lubak o sira-sirang mga daan sa kanilang nasasakupan para sa mas accessible at resilient na mga kalsada para sa mga biyahero. |ifmnews
Facebook Comments