DELIKADONG ESTADO | NAIA, sampung taon na lang ang itatagal?

Manila, Philippines – Aminado si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na medyo delikado na ang estado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na isang dekada o sampung taon nalang ang itatagal ng naia dahil sa congestion o siksikan ng mga pasahero.

Sa interview ng RMN-Manila kay Monreal, expansion ng runway ang isa sa mga paraan para mapaluwag ang NAIA pero hindi na rin ito magagawa dahil sa limitadong espasyo.


Aniya, para mapanatili ang serbisyo ng paliparan sa mga susunod pang taon, marami silang ipinapatupad na pagbabago.

Bukas naman sa panukala si Monreal na magkaroon ng paliparan sa Sangley point sa Cavite gayundin sa Bulacan para madagdagan ang kapasidad ng mga paliparan sa bansa.

Sang-ayon din si Monreal sa panukalang ilipat ang ilang byahe sa Clark International Airport para hindi na magsiksikan sa NAIA.

Facebook Comments