Delikadong heat index, iiral sa 19 na lugar sa bansa

Delikado pa rin ang heat index na mararanasan sa 19 na lugar sa bansa ngayong araw.

Inaasahang papalo sa 44 degrees Celsius ang damang init sa Dagupan City, Pangasinan; Aborlan, Palawan at Catarman, Northern Samar.

Nasa 43 degrees Celsius naman sa Pili, Camarines Sur; Roxas City, Capiz; Dumangas, Iloilo; Guiuan, Eastern Samar; Zamboanga City at Cotabato City.


Habang 42 degrees Celsius sa Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao City sa Cagayan; Iba, Zambales; Ambulong Tanauan, Batangas; Coron at Puerto Princesa City, Palawan; Virac, Catanduanes; Iloilo City at Davao City.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na iwasang magbilad sa sikat ng araw dahil sa posibleng banta ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.

Facebook Comments