Delikadong lebel ng heat index, naitala sa sampung lugar sa bansa 

Nagbabala ngayon ang pagasa sa publiko kaugnay sa patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa.

Nasa dangerous level na naman kasi ang naitalang heat index o yung init na nararamdaman ng isang tao kahapon sa sampung lugar sa bansa.

Kabilang rito ang naitala sa naia sa Pasay City kung saan lumagpas ang heat index sa 40 degrees celsius.


Sa inilabas na datos ng pagasa, ang San Jose City, Occidental Mindoro ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na 45.3 degrees celsius.

Ang iba pang lugar na kasama sa nakapagtala ng mataas na heat index ay ang mga sumusunod:

  • Amulong, Batangas – 44.4 degrees celsius
  • Sangley Point, Cavite – 43.9 degrees celsius
  • Naia Pasay City, Manila – 43.7 degrees celsius
  • Butuan City, Agusan Del Norte – 42.7 degrees celsius
  • Casiguran Aurora – 42.7 degrees celsius
  • Guiuan, Eastern Samar – 42.7 degrees celsius
  • Cotabato City, Maguindanao – 42.6 degrees celsius
  • Dipolog City, Zamboanga Del Norte – 41.9 degrees celsius
  • Davao City, Davao Del Sur – 41 degrees celsius

Naitala naman ang 39.2 degrees celsius sa pagasa science garden sa Quezon City.

Facebook Comments