DELIKADONG SIGNAGE SA ARELLANO STREET, DAGUPAN CITY, INALIS

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan ng publiko, agad na inalis ng City Engineering Office, sa pamumuno ni Engr. Josephine Corpuz, at sa tulong ng Dagupan Electric Corporation (DECORP), ang nayuping directional signage sa kahabaan ng Arellano Street patungong Bonuan Gueset.

Ang nasabing signage ay nasira matapos banggain ng isang mataas na truck. Dahil sa pinsala, ito ay nagmistulang banta sa mga motorista at pedestrian dahil maaari itong bumagsak anumang oras o makasagi nang dumadaang sasakyan o tao.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang hakbang ay ginawa “for public safety” upang maiwasan ang posibleng aksidente o aberya sa kalsada.

Samantala, tiniyak naman ng City Planning Office na kasalukuyan na silang gumagawa ng bagong disenyo para sa mas matibay at updated na directional signage.

Nakapaloob ito sa planong isama sa 2026 city budget, kasabay ng pagpapalawak at modernisasyon ng mga street signs sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments