Delingkwenteng retail store owners sa Farmers Plaza Cubao, umabot na sa 231 ayon sa SSS

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Social Security System (SSS) ang mga may-ari ng may 231 store owners sa Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City dahil sa paglabag sa Republic Act 8282 o Social Security Law of 1997.

Ayon kina SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc at Social Security Commission Chairman Amado D. Valdez, kabilang sa mga binigyan nila ng show cause orders ang AGM Apoyon General Merchandise, Handtag Apparel Shop, HHMJ Fashion Collection, at Rumble @Tum’s Café

Bigo ang mga ito na maiparehistro ang kanilang mga empleyado kahit na nakatanggap na ng demand letter mula sa SSS noong June 14, 2017.


Ang show cause order ay ipinaskil ng SSS sa mga tindahan bilang babala sa mga employers na pananagutin sa batas kung hindi tutugon.

Ang nasabing mga store owners ay binigyan ng 15 araw ng SSS upang makapagpaliwanag kung bakit hindi sila maaaring sampahan ng kaso.

Kaugnay nito, binalaan nina Dooc at Valdez ang mga lalabag sa RA 8282 na patuloy nilang tutugisin at ipakukulong ng 12 taon kapag napatunayan ng korte na nagkasala.

Facebook Comments