Delivery Boy, Huli matapos aksidenteng Mabangga ang isang SUV

246

*Cauayan City, Isabela*- Pansamantalang ikinustodiya ang isang delivery boy matapos itong masangkot sa aksidente bandang 12:00 kaninang tanghali sa kahabaan ng Canciller Ave. Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang delivery boy na si Fermin De Luna, 27 taong gulang at residente ng Reina Mercedes, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, batay sa salaysay ni De Luna ay magdedeliver sana ito sa kanyang kliyente subalit hindi niya napansin na papasok sa main lane ng nasabing daan at bumangga sa isang Navarra Pick-Up na may plakang F3F290 na minamaneho ni Ginoong Eduard Forto, 35 anyos na residente ng Cauayan City.

Batay naman sa naging salaysay ni Forto, nagulat ito ng salpukin ang kanyang sasakyan ng isang motorsiklo.

Maswerte naman at walang tinamong sugat ang katawan ni Forto habang hindi nagkaroon ng matinding galos si De Luna dahil na rin sa suot nitong helmet.

Sa ngayon ay inaayos na ng magkabilang kampo ang usapan para sa pagsasaayos ng damage sa sasakyan ni Forto.

Facebook Comments