Delivery Boy sa Ilagan City, Isabela, Timbog sa Buy Bust Operation!

Ilagan City- Timbog ang isang delivery boy matapos itong magbenta ng marijuana sa isang pulis na nagpanggap na bibili sa ikinasang drug buy bust operation sa brgy. San Vicente City of Ilagan.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Panganiban, 29 anyos, delivery boy at residente ng Centro Poblacion, City of Ilagan.

Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) natimbog umano si Panganiban matapos magkasa ng operasyon kontra iligal na droga ang pinagsanib puwersa ng kapulisan at ng PDEA.


Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang nakatuping papel na naglalaman ng marijuana na may fruiting tops, isang unit ng cellphone at dalawang daang piso.

Agad namang dinala sa himpilan ng PNP Ilagan ang naturang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon

Facebook Comments