Delivery Boy tumilapon sa ilalim ng tulay sa Bugallon Pangasinan

Tumilapon sa ilalim ng tulay ang isang delivery boy ng LPG sa Barangay BaƱaga Bugallon Pangasinan matapos itong bangain ng isang kotse ang sinasakyang garong.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktimang si Ajay De Guzman, 19 anyos na tumilapon sa ilalim ng tulay. Sugatan rin ang angkas nitong si Jonathan De La Cruz , 21 anyos.
Sa initial na imbestigasyon ng Pulisya, lulan ng kaniyang kotse si Raul Vicente Campos, 27 anyos at isang nurse ang at binabaybay ang kanlurang direksyon nang sakupin nito ang linya ng garong na nagresulta sa pagkakabangga nito sa mga biktima.
Hindi naman nasugatan ang driver ng kotse ngunit dinala pa rin sa ospital para sa medico legal.
Ang dalawang biktima naman ay kasalukuyan nagpapagaling sa Lingayen Hospital.
Photo Grabbed: Alex Molano

Facebook Comments