Delivery crew, arestado dahil sa paglabag sa Anti-Bastos Law sa Pasig City

Huli ang isang 34 anyos na lalaking truck delivery crew matapos na lumabag sa Anti-Bastos Law sa Pasig City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office BGen. Rhoderick Augustus Alba, inireklamo ang suspek nang isang 19 anyos na babaeng estudyante.

Nagsasagawa raw ng regular na morning exercise ang biktima sa may bahagi ng supermarket sa Barangay Ugong, Pasig City.


Siya ay sekretong kinunan ng video ng suspek habang nag-i-exercise at ito’y ipinost sa kanyang social media account at kumalat.

Nakita raw ito nang isa sa kaibigan ng biktima, ini- screenshot bago ipinadala sa kanya, kaya agad na silang nagreklamo sa PNP anti-cybercrime group.

Sinabi ni BGen. Alba, agad na ikinasa ang operasyon at nahuli sa akto ang suspek na pinapanood pa ang video kanyang pinost sa kanyang social media.

Sa ngayon nahaharap sya sa mga kasong paglabag sa Bawal Bastos Act at Cybercrime Prevention Act.

Facebook Comments