Delivery man, maaaring makulong ng 18 taon matapos duraan ang pizza ng isang customer

ISTANBUL, Turkey – Isang lalaki na nagtatrabaho bilang delivery man ang haharap sa hanggang 18 taong pagkakakulong matapos nitong duraan ang pizza ng kanyang kostumer.

Kinilala ang suspek na si Burak S., na sinasabing bigla na lamang daw dumura sa pagkain bago ibigay sa kanyang kostumer.

Nangyari ang insidente sa siyudad nh Eskisehir noong 2017 na nakuhanan pa sa CCTV footage ng lugar.


Ayon sa International news agency, nasapul sa camera ang ginawa ng suspek na naiulat pang nire-rekord ang pangyayari.

Bagaman napagmulta na ng $675 o (P34,379.78) si Burak dahil sa ginawa na maaring magpahamak sa kostumer, tinitingnan ngayon ng mga tagausig na pahabain ang taon ng pagkakabilanggo dahil sa panlalason nito sa pagkain.

Samantala, nahuli ang suspek nang magsumbong ang may-ari ng tinitirhang apartment ng mga kostumer matapos nitong mapanood ang video.

Facebook Comments