Inurong sa April 28 ang pagdating ng initial batch na nasa 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines ng Gamaleya Research Institute ng Russia.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nakatakda sana itong dumating kahapon pero ipinagpaliban ito dahil sa isyu sa logistics.
Nasa isa hanggang dalawang milyong doses ng Sputnik V ang darating sa susunod na buwan habang may karagdagang dalawang milyong doses na darating sa Hunyo.
Bukod dito, ang dalawang milyong doses ng Sinovac ay inaasahang darating sa Mayo at 4.5 million sa Hunyo.
Ang 195,000 doses ng Pfizer ay darating sa katapusan ng buwan.
Umaasa naman si Galvez na darating ang initial 194,000 doses ng Moderna vaccine sa susunod na buwan.
Pinaplantsa pa ang lima hanggang 10 milyong doses ng Johnson & Johnson vaccine.
Nasa ₱82.5 billion ang total vaccine budget ng pamahalaan.