Posibleng maantala ang pagpapadala ng AstraZeneca vaccines doses mula sa COVAX Facility dahil sa supply shortage.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang inaasahang supply na nasa higit 900,000 doses ng AstraZeneca vaccines doses ay posibleng dumating ng mga susunod na linggo.
Pero dahil sa shortage, posibleng babawasan ang bilang ng mga ipapadala sa mga darating na linggo.
Kapag tumaas ang produksyon, magagawa ng WHO na makapagbigay ng karagdagang bakuna sakop ang 20-porsyento ng populasyon ng Pilipinas.
Inaasahang tataas ang produksyon sa second quarter hanggang fourth quarter ng taon.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakatanggap na ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility.