Delivery ng AstraZeneca vaccines, sisimulan bago matapos ang Pebrero

Sisimulan ng COVAX facility na ipadala ang AstraZeneca Vaccines sa bansa bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakapagsumite na ang pamahalaan ng indemnification agreement sa vaccine manufacturers na Pfizer at AstraZeneca.

Ang Pilipinas ay nakatakdang tumanggap ng kabuuang 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccines sa ilalim ng COVAX Facility sa unang bahagi ng taon.


Aabot naman sa 117,000 doses ng Pfizer vaccines ang darating bansa pero maaaring maantala ang pagdating nito dahil sa sub-zero transportation at logistics requirements.

Aniya, nakumpleto na ng Pilipinas ang requirements na hinihingi ng COVAX facility kabilang na rito ang authorization para sa paggamit ng bakuna, indemnification agreements at National Deployment and Vaccination Plans sa pamamagitan ng COVID-19 Partners Platform.

Matatandaang naisyuhan na ng Emergency Use Authority (EUA) ang Pfizer at AstraZeneca.

Facebook Comments