Atrasado na ng tatlong linggo ang pag-dedeliver ng suplay ng bigas sa pampublikong pamilihan sa bayan Mangaldan, ayon yan sa mga nagtitinda ng mga bigas kung saan kulang pa ang stock ng kanilang mga bigas para ibenta sa mga konsyumer.
Kung hindi pa umano darating ang suplay ng bigas sa kanilang mga pwesto sa pampublikong pamilihan ay makukulangan o hindi kaya ay wala na silang maibebenta; hinala nila, paubos na ang stock ng bigas kaya sila naman ngayon ang nahihirapan na kapwa namumuhunan lang din para may kumita.
May dumating naman daw na suplay ng bigas sa iban mga nagtitinda sa public market ang kaso lamang ay kakaunti ito kaya naman itinaas na lamang ang presyo kada kilo kung saan tatlo hanggang anim na piso ang patong.
Kaunting suplay ng bigas ngayon na idedeliver ang isa sa problema ngayon ng mga nagtitinda sa Mangaldan kaya sa presyo ang bawi ng kakulangan nito.
Ang bulto kasi ng commercial rice stocks ay binili ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan na siya namang ipinamahagi sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Egay at habagat.
Ayon naman sa samahan ng Agrikultura, may sapat pa naman umanong suplay ng bigas na aabot pa ng ilang buwan at patuloy pa rin naman ang kanilang pagmomonitor sa mga presyo ng bilihin sa public market lalo na sa presyo ng bigas.
Samantala sa Dagupan City, nakitaan rin ng pagtaas ng presyo ng bigas kung saan nasa 44 pesos hanggang 60 pesos pataas ang kada kilo. |ifmnews
Facebook Comments