Delivery ng biniling body cameras ng PNP, naantala rin dahil sa banta ng COVID-19

Hindi natuloy ngayong buwan ng Abril ang paged-deliver sana ng mga biniling body cameras ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Aniya, humiling ng extension ang supplier ng 2,700 body cameras dahil na rin sa sitwasyon ngayon sa bansa dulot ng COVID-19.


Kaya naman, ayon kay Gamboa, magbibilang ulit ang PNP ng dalawa hanggang tatlong buwan bago mai-deliver at magamit ang mga body cameras.

Karamihan aniya sa mga biniling body cameras ay mapupunta sa mga pulis sa National Capital Region dahil sa laki ng populasyon ditto.

Matatandaang taong 2018 nang humingi ng pondo ang PNP sa national government para ipambili ng mga body camera para maging transparent sa kanilang mga ginagawang drug operation sa harap ng mga paratang na gumagawa ng extra judicial killings ang mga pulis.

Facebook Comments