Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na nasusunod nito ang kanilang calendar of activities kaugnay sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.
Sa Pangasinan, Target ng COMELEC na matapos ang pagpapadala ng mga ACM sa mga bayan at lungsod ngayong weekend.
Sa Distrito 4,5,6 aabot sa 2,869 ang gagamiting ACM bukod pa ang 491 na contingency units na gagamitin, na nauna ng dumating nito lamang lunes.
Ayon kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, hindi na dapat umano lumagpas sa May 6 ang pagdating nito sa mga COMELEC Offices sa bawat bayan dahil isasagawa pa nila sa mismong petsa ang final testing nito.
Samantala, mahigpit ang seguridad sa pagbabantay sa mga pinaglagakan ng ACMs sa lungsod ng Alaminos at Dagupan, pati na rin sa pagbyahe nito sa mga local offices. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









