Delivery ng mga baboy sa Metro Manila mula sa South Cotabato, nagsimula na ayon sa DA

Inihayag ngayon ng Department of Agriculture (DA) na sa loob ng tatlong araw asahan nang darating sa Metro Manila ang delivery ng mga buhay na baboy mula sa South Cotabato.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar umarangkada na kahapon ang biyahe ng dalawang truck na puno ng 260 na buhay na baboy.

Paliwanag ng kalihim na ang unang batch ng delivery ay inisyatiba ng Koronadal Valley Livestock Growers Cooperative.


Giit ng kalihim ng “Special Hog Lane Certificate” ang kooperatiba upang matiyak ang unhampered delivery ng suplay ng buhay na hayop.

Sa kanyang pulong sa South Cotabato Swine Producers Associations, tiniyak nito ang tulong ng DA sa mga hog raisers at local producers upang maibalik ang sigla ng swine industry at mapatatag ang suplay at presyo ng karne ng baboy.

Facebook Comments