Manila, Philippines – Umabot na sa 178,392 metric tons o 82.16 percent ng imported rice na inangkat ng National Food Authority (NFA) ang dumating na sa bansa habang ang nalalabing 65,600 metric tons o15.44 percent ay ibinibiyahe pa.
Ayon kay NFA administrator Jason Laureano Aquino na rice import ang kabuuang 250,000 metric tons ng bigas na inangkat ng pamahalaan ay naglalayong tugunan ang kakulangan sa buffer stocks ng NFA ngayong taon.
Gayunman, may tinatayang 6,000 metric tons o 2.4 percent pangbigas ang nasa Vietnam pa ngayon na naghihintay ng cargo vessel na madala papunta dito sa Pilipinas.
Bagamat may konting delay sa pagdating ng ilang shipment ng mga inangkat na bigas, tiniyak ni Aquino na may sapat pang supply ang ahensiya para sa mga relief-giving agencies at local government units sa panahon ng kanilang pangangailangan.
Sinabi pa ni Aquino na naka-prepositioned na ito sa mga calamity-prone areas ng bansa bago pa man dumating ang lean months mula Hulyo hanggang Setyembre.
Sa kabila nito nagbanta pa rin si Aquino sa mga rice imports na papatawan ng karampatang multa kapag hindi umabot ang kanilang shipment sa itinakdang delivery deadline na naaayon sa Terms of Reference ng importation.