Umaasa ang pamahalaan na mabilis na matatapos ang delivery ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac Biotech ng China.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sumang-ayon ang Chinese pharmaceutical firm na paagahin ang delivery date ng mga natitirang vaccine supplies.
Aniya, ipapadala ang mga bakuna sa bansa pagdating ng Setyembre.
Makakatulong aniya ito para mapabilis ang pagbabakuna ng mas maraming Pilipino.
Sinabi ni Nograles na nananatiling on-track ang bansa pagdating sa vaccination timelines, partikular sa pag-abot ng population protection, at herd immunity.
Ang mga paparating na bakuna sa mga susunod na buwan ay maaaring ipamahagi sa iba’t ibang lugar sa labas ng Metro Manila.
Mapapasigla nito ang consumer at business confidence na layong maibangon ang ekonomiya.