Delivery ng Sputnik V vaccines, naantala – Galvez

17

Kinumpirma ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na naantala ang pagdating ng initial batch na 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines dahil sa logistical challenges.

Bago ito, sinabi ni Presidential Spokesperson harry Roque na naantala ang pagdating ng mga bakuna dahil sa kawalan ng direct flights mula sa Russia.

Ang mga bakuna ay nangangailangan din ng below zero degrees Celsius na temperatura sa flight.


Pagtitiyak ni Galvez na magbibigay siya ng update kung kailan ito ipapadala kapag naabisuhan na sila ng Russian Direct Foreign Investment Fund.

Nabatid na ang Sputnik V vaccines ay nangangailangan ng -18 degrees Celsius o mababa pa.

Facebook Comments