Bumabalik na sa normal ang operasyon ng mga delivery ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) matapos maantala dahil sa ipinatupad na Enchanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.
Sa interview ng rmn manila, sinabi ni Melody Olavidez, Manager ng PHILPost Human Resource Management Department na kasama ang PHILPost na ipinatigil ang operasyon noong March 17.
Pero nagkaroon ng exception mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas ng limitadong operasyon.
Kaya nang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, umabot na sa 1,148 offices ng PHILPost ang binuksan, mas marami kaysa sa 356 na nakabukas noong ECQ.
Facebook Comments