DELIVERY RIDER, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG SHABU

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Calao East, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Istong”, 43-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at cellphone.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pag-iingat ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments