Naaresto ang isang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Dagupan City Police Station (CPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.
Ang suspek ay isang 30-taong gulang na lalaki na kinilala bilang “Tikboy”, isang delivery rider na residente ng nasabing lungsod.
Nakuha mula sa suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php68,000.00 sa kalsada.
Sasampahan ng kaso ang suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments