Delivery rider, pumarada saglit para umattend sa kaniyang online class

Trending sa social media ang isang delivery rider na pumarada muna sa gilid ng isang mall sa lungsod ng Parañaque para pumasok sa kaniyang online class.

Ayon sa third year Communications student ng Adamson University na si Francis Ax Valerio, kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya at sa kaniyang pag-aaral lalo na ngayong may pandemya.

 

Aniya, ang kaniyang ina ay nagbabantay sa kaniyang amang na-stroke noong Hulyo at mayroon pa siyang grade 10 na kapatid.


Dagdag pa niya, ang kaniyang ina ay isang government employee pero hindi na nakpapapasok sa trabaho dahil ito ang nag-aalaga sa kaniyang ama.

Sinabi din ni Valerio, bago pa man ma-stroke ang kaniyang ama ay suma-sideline na siya sa isang fastfood chain at kalaunan ay naging delivery rider para tumulong sa kaniyang ina.

Sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok, pursigido pa rin si Valerio na makapagtapos ng kanyang pag-aaral para sa kaniyang pamilya.

Facebook Comments