DELIVERY RIDER, SINAKSAK MATAPOS MAKIPAGTALO DAHIL SA AIRGUN

Sugatan ang isang 26-anyos na delivery rider matapos saksakin ng kapitbahay sa Vigan City, Ilocos Sur, kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, habang naghahanda ang biktima papasok sa trabaho, nakita niyang tinututukan ng suspek ang kanilang bahay gamit ang air gun.

Nang awatin ito ng biktima, nauwi sila sa mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan. Sa gitna ng gulo, bumunot ng patalim ang suspek at ilang ulit na sinaksak ang biktima sa likod.

Naawat ang suspek sa tulong ng biktima at biyenan. Dinala ang biktima sa ospital para sa gamutan, habang inaresto naman ng pulisya ang suspek at isinailalim sa medico-legal exam. Narekober rin ang ginamit na patalim. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments