Tuesday, February 24, 2026

DELIVERY RIDER, TIKLO SA BUY-BUST OPERATION SA BASISTA

Tiklo ang isang 26 anyos na delivery rider matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Basista, Pangasinan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Eric,” at residente ng Bayambang, Pangasinan.

Naaresto ito sa operasyon ng Basista Municipal Police Station (MPS) sa koordinasyon ng PDEA-RO1.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang tinatayang 0.82 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na 5,576 pesos. Ang ilegal na droga ay nakalagay sa tatlong heat-sealed transparent plastic sachet, kabilang ang nabentang sachet at mga nasa pag-iingat ng suspek.

Bukod sa droga, nasamsam din ang iba pang non-drug evidence.

Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga itinakdang mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Basista MPS ang naarestong suspek habang inihahanda ang posibleng kaukulang kasong kanyang kahaharapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments