Delivery service app ng aktor na si Dingdong Dantes, bukas sa mga kasamahan sa industriya na nawalan ng trabaho

Tumatanggap ang delivery service app ng aktor na si Dindong Dantes ng mga kasamahan niya sa industriya na nawalan ng trabaho sa gitna ng community quarantine.

Say ni Dingdong, nagbibigay sila ng limang araw na pagsasanay sa mga papasang empleyado sa tulong ng Yes Pinoy Foundation at iba pang ahensiya para maiwasan ang road accident.

Isa sa mga natulungan ng delivery service app ng aktor ay si Carlo Kaunes na stuntman sa teleseryeng Descendants of the Sun at nakaranas ng depression matapos mawalan ng income sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Nabatid na minsan na ring naging delivery boy si Dingdong ng kaniyang asawang si Marian Rivera na mayroong flower shop.

Facebook Comments