Ninakawan ang isang delivery service company kahapon, sa Brgy. Poblacion, Bani, Pangasinan.
Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang 8:30 ng umaga nang matuklasan ng Manager ng naturang kumpanya ang bukas na vault.
Nakuha ang nasa ₱285, 727,00 na laman ng nasabing vault.
Maaaring kabilang ang ilan pang hindi pa nakikilalang salarin sa insidente.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga pulis para mahuli ang mga sangkot sa pagnanakaw.
Ginagawa rin ang paghahanap ng CCTV footage mula sa mga kalapit na bahay at establisyemento upang makatulong sa imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









