Wednesday, January 28, 2026

Delivery van, inararo ang ilang concrete barriers sa EDSA-Quezon Avenue; driver, sugatan

Wasak ang harapang bahagi ng isang delivery van nang araruhin nito ang ilang concrete barriers sa kahabaan ng southbound lane ng EDSA-Quezon Avenue.

Nangyari ang aksidente alas-kwatro ng madaling araw kanina.

Ayon sa 26-anyos na driver na papunta siyang Pasay City para mag-deliver sana ng karga ng kaniyang minamanehong truck nang bigla siyang mabulaga ng mga concrete barrier.

Dahil sa insidente, nagtamo ng galos ang driver dahil sa nabasag na windshield ng kaniyang sasakyan.

Habang tumama naman ang ilang basag na bato ng concrete barrier sa isang bus.

Nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar ang aksidente habang patuloy ang isinasagawang clearing operations.

Facebook Comments