Delta variant, banta sa pag-abot ng herd immunity – OCTA Research

53

Dapat pang paigtingin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 dahil ang Delta variant ay makakagulo sa pag-abot ng Pilipinas sa target na herd immunity at population protection.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang requirement ng bansa para sa pagbabakuna ay tumataas dahil ang variant na kumakalat sa ibang mga bansa ay mas nakakahawa.


Ang pagdodoble ng kasalukuyang average na 195,400 vaccinations kada araw ay maaaring makamit ang population protection pagsapit ng Pasko.

Inirerekomenda ng OCTA ang vaccination sa 40 hanggang 50 percent ng population sa high rish areas para maabot ang population protection sa katapusan ng taon.

Kapag naabot ang population protection, ang COVID-19 attack rate ay bababa.

Maaabot naman ang herd immunity kapag 70 hanggang 80 percent ng populasyon ay mabakunahan, at ang COVID-19 attack rate ay magiging halos ‘zero’.



Facebook Comments