Delta Variant Death Case, Naitala sa Bayan ng Alicia at Ramon

15

Cauayan City, Isabela- Naitala sa lalawigan ng Isabela ang tatlong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 Delta variant.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng Department of Health Region 2.

Kinabibilangan ito ng dalawang nasawi mula sa bayan ng Alicia at isa naman sa bayan ng Ramon.


Habang nakapagtala rin ng kaso ng pagkamatay ang bayan naman ng Gonzaga, Cagayan.

Samantala, muli namang nakapagtala ng Alpha variant case ang Solano, Nueva Vizcaya.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa mga apektadong Rural Health Units at Local Government Units sa pamamagitan ng Special Action Team (SAT) sa pagsasagawa ng mga kaukulang aksyon tulad ng case investigation at contact tracing activities at ang pagbibigay-impormasyon ng kagawaran tungkol sa naturang kaso.



Facebook Comments