Delta variant, hindi bata ang kadalasang tina-target – ayon sa WHO

Napansin ng World Health Organization (WHO) na ang Delta variant ay hindi tina-target ang mga bata.

Ayon kay WHO COVID-19 Technical Lead Maria Van Kerkhove, lumalabas sa mga ebidensya na ang variant ay kumakalat sa mga taong nakikipagsalamuha sa iba o socially mixing.

Sinisikap ng mga eksperto na alamin ang dynamics ng Delta at kung bakit ito mas nakakahawa.


Aniya, mas nagkakaroon ng hawaan lalo na kung hindi nag-iingat ang mga tao at hindi sumusunod sa physical distancing at nasa poorly-ventilated at crowded indoor spaces.

Ang Delta variant ay pumasok na sa 132 bansa at mas nakakahawa ito kumpara sa mga naunang bersyon ng virus.

Facebook Comments