Delta variant, idineklara na ng World Health Organization bilang dominant COVID-19 variant sa Pilipinas

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang dominant variant sa Pilipinas ang COVID-19 Delta variant.

Ito ang kinumpirma ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Abeyasinghe, sa ganitong bilang ng mga bagong kaso ay maituturing na mayroon na tayong community transmission ng Delta variant.


Sa huling datos ng Department of Health, nasa 1,789 ang Delta variant cases na natukoy na hanggang noong Linggo, Agosto 29.

Facebook Comments