DELTA VARIANT NA NAITALA SA PANGASINAN, PUMALO NA SA LABING ISA; WALONG BAGO KASO, KINUMPIRMA NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE

Kinumpirma ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) na nakapagtala na ang lalawigan ng walong bagong Delta variant coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases na kung saan pumalo na sa labing isa ang Covid-19 Delta na na monitor hanggang Agosto 31.

Sinabi ni Dra. Anna Ma. Teresa de Guzman, PHO chief na ang mga bagong Delta variant cases ay masusing binabantayan at iniimbestigahan.

Mahalaga din aniya na sakaling may mga OFW na umuuwi sa bansa na nagpopositibo sa COVID 19 na malaman kung anong klase ng variant ang naka-infect sa kanila.


Idinagdag niya ang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 ay maaaring dahil umano sa pagkakaroon ng variant ng Delta.

Iniugnay ni De Guzman ang pagdagsa ng mga kaso ng Covid-19 ay dahil sa pinaigting umanong pagsubaybay sa contact tracing at pagsusuri at operation ng provincial molecular laboratory maliban pa sa mga swab specimens na ipinapadala sa Baguio General Hospital.

Samantala, ang Pangasinan ay nanatili sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Setyembre 7, maliban sa tatlong mga lokalidad na nasa ilalim ng mas mataas na quarantine status.

Facebook Comments