Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na halos lahat ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala na ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tanging ang Caraga Region na lamang ang hindi pa nakakakapagtala ng local case ng Delta variant sa buong bansa.
Aniya, ang tatlong naitalang Delta variant sa Caraga ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) at kasalukuyang naka-isolate sa Metro Manila.
“But it doesn’t mean that they (Caraga) do not have the variant. Katulad nga ng sabi natin, ‘yung sampling po kasi natin na ginagamit natin doesn’t really cover that much no of the population for us to determine kung nasaan na siya sa mga regions.” ani Vergeire
Aminado naman si Vergeire na tumataas ang naitatalang Delta variant case sa bansa base sa mga sample na naisasalang sa genome sequencing.
Matatandaang umabot na sa 807 ang kaso ng Delta variant sa bansa hanggang nitong August 12.