Tinukoy ng Department of Health (DOH) na ang Delta variant ang naging dominant variant ng COVID-19 sa buwan ng October.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, Director ng DOH Epidemiology Bureau, Mula sa 4.9% noong Hunyo ng mga nasuring sample na nakitaan ng Delta variant, tumaas ito sa 99.8 percent nitong October.
Pumapangalawa naman ang Beta variant na may 21.47 percent habang pangatlo ang Alpha variant na 18.72 percent .
Habang nasa 0.02 percent ang variant of concern na Gamma variant na may 3 kaso lamang na naitala sa bansa.
Facebook Comments