Delta variant ng COVID-19, nananatiling dominant variant sa Pilipinas ayon sa DOH

69

Nananatiling dominant ang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID sa ibang mga bansa dahil sa Omicron variant.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang unti-unting pagtaas ng kaso sa bansa ay hindi dulot ng Omicron variant.


Aniya, wala pa naman kasing naitatalang transmission ng Omicron sa bansa.

Gayunman, dapat ituring aniya ng bawat isa na laganap na ang Omicron variant para mas maging maingat.

Facebook Comments