Delta variant, posibleng makapasok din sa bansa kalaunan

Nagangamba si NTF Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa na kalaunan ay mapapasok din ng Delta variant ang Pilipinas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na sa ngayon ay nasa 90 mga bansa na sa buong mundo ang napasok na ng mas nakahahawang variant ng COVID-19.

Kung saan mapalad ang Pilipinas dahil agad natin itong na-contain dahil sa mahigpit na ipinatutupad na border control at quarantine protocols.


Kaya’t mahalaga ani Herbosa na patuloy pa ring sundin ang minimum health protocols at palakasin ang ating PDITR strategy o Prevent, Detect, Isolate, Treatment at Reintegration strategy.

Inihalimbawa ni Herbosa ang Indonesia na nagluwag ng kanilang mga quarantine rules at ginawa na lamang limang araw ang arriving protocols kung kaya’t napasok ng Delta variant.

Sa ngayon, wala pang naitalang community transmission ng Delta variant sa bansa at wala pa ring Lambda variant na nakapasok sa Pilipinas.

Ang dominant variant aniya dito sa atin ay ang UK at South African variants.

Facebook Comments